Tula ni Ogot Sumulong
Ako ang talinghagang
Babasag ng bangungot,
Papawi ng pighati.
Ako ang tambuli,
Ang tinig, ang talim
Ng malayang bukas.
Ako ang talinghagang
Tutugis ng tulisan,
Papanday ng pangarap.
Tulog na mahal ko
Gigising kang laya
Ang halik ng araw.

Si Ogot Sumulong ay isang retiradong ipinanganak sa Pilipinas ngunit tumira na dito sa Chicago mula pa noong ang alkalde ng siyudad ni Carl Sandburg a tang yumaong Jane Byrne. Interesado siyang magbasa-basa tungkol sa kalinangan at kasaysayan ng Pilipinas.
Leave a Reply