Mga Awiting Pangkalayaan ng mga Hukbong Nagtanggol sa Bayan Laban sa mga Mapaniil na Dayuhan at Lokal na Oligarkiya’t Dinastiya

ni Jimmy Reyes

Bukid, bundok, pag-gawaan, at parang batis ng ating kabuhayan, 

papayagan bang makamkam, laya at kasaganahan

ang dangal nang bayang pilipinas, na nais igupo ng dahas 

Mag-bubukid ay magbalikwas, tutulan mo ang pag-hamak

manggagawa’y magkaisang hanay, isa man ay walang hihiwalay,

hadlangan ang mga gahaman mapaniil na dayuhan, 

Bawat isa’y tibayan ang loob bakahin ang mambubusabos 

mga ganid na mang-huhuthot, galamay nang mananakop

Manggagawa,at mag-bubukid, halina tayong lahat 

ibagsak ang manlulupig, 

propetaryong maninipsip sa dugo nang anak-pawis, 

kapag sila’y naibagsak,tapos na ang ating hirap 

wala ng dambuhala , pantay-pantay na ang lahat 

mabuhay at mabuhay, maggagawa’t mag-bubukid 

mabuhay ang anak-pawis

Sulong tayo gerilyerong sandatahan

pasanin ang riple at garand, mga naagaw na masingan

gaygayin ang bundok, bukid, kaparangan 

tambangan natin pasistang mananakop na tulisan

huwag idahilang ang pagod, gutom, uhaw, hirap, at antok 

Ang tulog nati’y sa gulod, walang banig, walang kumot 

maraming lamok, maraming langgam,

ito ay dahil sa bayan, sinisiil nang dayuhang

nag-kukunwang kaibigan, bagkos ay ganid na manga-ngamkam

Ito ang hukbo ng bayang mapang-himagsik

puhunan nati’y kamulatan at pagtitiis 

nais natin ay lumaya itong bayang aba 

Bayan nati’y giginhawa,kung mapalayas ang pasista, hukbong bayan ! ! !

Sulong ka bayan, sa iyong pag-laban, laging usigin ang katarungan 

huwag kang tumigil habang may buhay, burgis na tuso ay labanan

Bandilang pinoy, iwagayway, ang anak-pawis ay mabuhay 

tamad na burgis na ayaw gumawa, sa pawis ng iba’y nag-papasasa

pinapalamon nang maggagawa, hindi marunong mangahiya,

PAKIKIBAKA NGAYON- LUPA, TRABAHO, KALAYAAN, KATARUNGAN PARA SA BAYAN

Ito ang hukbong mapagpalaya nang bayan, HMB kung tagurian

lubhang angkop na pangalan, anak kaming maralita 

na kayo ang pinanggalingan, nagtatanggol sa mga api 

dinudusta ng mayaman, hangad namin ay kalayaan 

nang ang bayan ay guminhawa lamang

Kalayaan, demokrasya, islogan sa pakikibaka, 

na malaong minimithi, ngunit hindi matamasa 

nang dahil sa pag-hihintay ng mga oportunista 

Tangi lamang ang sandata ang titiyak na kukuha

lupa para sa gumagawa ang tanging adhika 

upang mapasa-gana, buhay nang maggagawa ,

at iba pang ka-uri sa loob ng bansa,

nang bayang pilipinas ganap na mapa-riwara,

hindi namin alintana, gutom, uhaw at pagod pa 

hindi namin idinaraing pagod sa pakikibaka 

Araw at gabi’y maglalakbay sa bukid at kaparangan 

hindi mag-titigil hanggat paglaya’y makamtan 

hindi kami mag-titigil sa pakipag-labanan 

hanggat hindi nai-babagsak ang lakas ng mga hudas 

at atin nang maitindig,pamahalaan ng mahirap 

mabuhay ang HMB, mabuhay ang pilipinas

mabuhay ang uring aping, sa daigdig ay nag-aklas 

mabuhay ang demokrasyang patnubay nating lahat

mabuhay, mabuhay, tagumpay nawa’y maging ganap ! ! !

Si Jimmy P. Reyes ay isang lolo, ama, asawa, tito,kapatid, kasama, artista, pintor, makata, at tagasubaybay ng MAKABANSANG ADHIKAANG NAGKAKAISA.


Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.